Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Gamitin ang mga Kasalukuyang Pangyayari sa Ministeryo Mo

Gamitin ang mga Kasalukuyang Pangyayari sa Ministeryo Mo

Sa ministeryo ni Jesus, gumamit siya ng kasalukuyang mga pangyayari para magturo. (Luc 13:1-5) Puwede mo ring gamitin ang mga kasalukuyang pangyayari para makuha ang interes ng mga tao sa mensahe ng Kaharian. Puwede mong banggitin ang tungkol sa pagtaas ng mga bilihin, likas na sakuna, kaguluhan, pag-abuso sa droga, o iba pang katulad nito. Pagkatapos, puwede kang gumamit ng tanong na mapag-iisipan ng kausap mo, gaya ng: “Sa palagay mo, matatapos pa ba ang . . . ?” o “Ano kaya ang solusyon sa . . . ?” Pagkatapos, magbasa ng tekstong angkop sa paksa. Kapag nagpakita ng interes ang kausap, magpapanood ng isang video o gumamit ng publikasyong nasa Toolbox sa Pagtuturo. Habang sinisikap nating abutin ang puso ng mga tao sa teritoryo natin, ‘gawin sana natin ang lahat alang-alang sa mabuting balita.’—1Co 9:22, 23.

Sa anong mga paksa interesado ang mga tao sa inyong teritoryo?