Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Protektahan ang Sarili Mula sa Apostasya

Protektahan ang Sarili Mula sa Apostasya

Gusto ni Satanas at ng mga kampon niya na pahinain ang pananampalataya natin kaya hinahaluan nila ng kasinungalingan ang katotohanan. (2Co 11:3) Ganiyan ang ginawa ng mga Asiryano noon para pahinain ang loob ng bayan ni Jehova. (2Cr 32:10-15) At ganiyan din ang ginagawa ng mga apostata sa ngayon. Ano ang dapat nating gawin sa mga turo nila? Ituring natin itong lason! Huwag na huwag natin itong babasahin, papatulan, o ikukuwento sa iba. Mag-ingat sa mga impormasyong nagtatanim ng pagdududa tungkol kay Jehova at sa organisasyon niya.​—Jud 3, 4.

PANOORIN ANG VIDEO NA “MAKIPAGLABAN NANG HUSTO PARA SA PANANAMPALATAYA”!—VIDEO CLIP. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit kailangan tayong mag-ingat kapag gumagamit ng mga Internet forum?

  • Paano natin masusunod ang Roma 16:17?