PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ginagamit Mo Ba ang Audio Recording ng Bibliya?
Ano nga ba ang audio recording ng Bibliya? Ito ay recording ng nirebisang Bagong Sanlibutang Salin. Sa tuwing matatapos ang recording ng isang aklat, nagiging available ito sa mga wikang gumagawa nito. Ang maganda sa audio recording ng Bibliya, iba-iba ang boses na ginamit sa bawat karakter. Ang pagbabasa rito ay may tamang pagdiriin at emosyon para maitawid nang tama at eksakto ang mensahe ng Bibliya.
Paano nakakatulong ang audio recording ng Bibliya? Para sa maraming regular na nakikinig nito, gustong-gusto nila ito dahil naging buháy na buháy ang Salita ng Diyos. Kapag iba-iba ang boses ng mga karakter, mas nai-imagine nila ang mga pangyayari sa Bibliya at mas madali nilang naiintindihan ang nakasulat dito. (Kaw 4:5) Marami sa mga may pinagdadaanan ang nagsasabing nare-relax sila kapag pinapakinggan nila ito.—Aw 94:19.
Kapag nakikinig tayo sa pagbabasa ng Salita ng Diyos, nagkakaroon ito ng malaking epekto sa atin. (2Cr 34:19-21) Kung available ang audio recording ng Bibliya sa wikang naiintindihan mo, buo man o ilang bahagi lang nito, magandang isama ang pakikinig dito sa espirituwal na rutin mo.
PANOORIN ANG VIDEO NA PAGGAWA NG AUDIO RECORDING NG BIBLIYA—VIDEO CLIP. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:
Ano ang hinahangaan mo sa audio recording ng Bibliya?