PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Maging Masaya sa Pagpapasimula ng Pag-uusap
Ang di-pormal na pakikipag-usap ay isa sa pinakanakaka-enjoy at epektibong paraan ng pagpapatotoo. Pero kung masyado tayong magpopokus kung paano ipapasok ang isang paksa sa Bibliya, malamang na kabahan tayong makipag-usap. Kaya imbes na magpokus sa sasabihin natin para makapagpatotoo, ipakita mong may malasakit ka sa kausap mo. (Mat 22:39; Fil 2:4) Kung sa pag-uusap ninyo, nagkaroon ka ng pagkakataong maipasok ang tungkol sa Bibliya, marami kang magagamit na tool.
Paano makakatulong sa iyo ang sumusunod na mga tool para makapagpatotoo tungkol sa isang paksang bumangon sa pag-uusap ninyo?
PANOORIN ANG VIDEO NA “PINAPATALAS NG BAKAL ANG BAKAL”—PAGPAPASIMULA NG PAG-UUSAP. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:
Anong tatlong hakbang ang makakatulong para mapasulong ang kakayahan nating makipag-usap?