Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Tingnan ang Sarili Ayon sa Tingin ni Jehova

Tingnan ang Sarili Ayon sa Tingin ni Jehova

“Nalulugod si Jehova sa bayan niya.” (Aw 149:4) Hindi tayo perpekto pero nakikita niya ang magaganda nating katangian at potensiyal. Pero kung minsan, baka hindi natin iyon nakikita. Baka pakiramdam natin, wala tayong halaga dahil sa paraan ng pakikitungo sa atin ng iba. Kung nakapokus naman tayo sa mga nagawa nating pagkakamali noon, baka magduda tayo kung posible pa tayong mahalin ni Jehova. Ano ang makakatulong kapag nararamdaman natin iyan?

Tandaan natin na iba ang nakikita ni Jehova sa nakikita ng mga tao. (1Sa 16:7) Ibig sabihin, may nakikita si Jehova sa atin na hindi natin nakikita. Tinutulungan tayo ng Bibliya na maunawaan iyan. Magagawa natin iyan kung babasahin natin ang mga ulat sa Bibliya na nagpapakita kung gaano kamahal ni Jehova ang mga sumasamba sa kaniya.

PANOORIN ANG VIDEO NA HIKAYATIN ANG IYONG PUSO SA HARAP NI JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Ano ang matututuhan natin sa isang runner at sa tatay niya tungkol sa tingin ni Jehova sa atin?

  • Kapag nagsikap ang isang taong nakagawa ng malubhang pagkakasala na ayusin ang kaugnayan niya kay Jehova, paano niya mahihikayat o makukumbinsi ang puso niya sa harap ni Jehova?​—1Ju 3:19, 20

  • Paano nakinabang ang brother sa pagbabasa at pagbubulay-bulay ng ulat tungkol kay David at kay Jehosapat?