PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Si Jehova ang “Ama ng mga Batang Walang Ama”
Taon-taon, maraming kabataan ang nakikipagkaibigan kay Jehova. (Aw 110:3) Kung isa kang kabataan, tandaan na nagmamalasakit si Jehova sa iyo. Nauunawaan niya ang pinagdadaanan mo at nangangako siyang tutulungan ka niyang mapaglingkuran siya. Kung pinalaki ka ng isang nagsosolong magulang, isiping si Jehova ang nagiging “ama ng mga batang walang ama.” (Aw 68:5) Sa tulong ni Jehova, magtatagumpay ka anuman ang sitwasyon mo sa inyong tahanan.—1Pe 5:10.
PANOORIN ANG VIDEO NA MGA NAKIKIPAGLABAN PARA SA PANANAMPALATAYA—ANAK NG NAGSOSOLONG MAGULANG. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Ano ang natutuhan mo kina Tammy, Charles, at Jimmy?
-
Ano ang tinitiyak ng Awit 27:10 sa mga anak na pinalaki ng nagsosolong magulang?