Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hunyo 17-23

AWIT 51-53

Hunyo 17-23

Awit Blg. 89 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Ang Puwede Mong Gawin Para Maiwasan ang Seryosong Pagkakamali

(10 min.)

Huwag maging kampante—hindi perpekto ang lahat ng tao at puwedeng makagawa ng pagkakamali (Aw 51:5; 2Co 11:3)

Magkaroon ng magandang espirituwal na rutin (Aw 51:6; w19.01 15 ¶4-5)

Labanan ang maruruming kaisipan at pagnanasa (Aw 51:​10-12; w15 6/15 14 ¶5-6)

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 52:​2-4—Paano inilarawan ng mga talatang ito ang ginawa ni Doeg? (it-1 614)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(2 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. (lmd aralin 7: #3)

5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(2 min.) BAHAY-BAHAY. (lmd aralin 4: #4)

6. Pagdalaw-Muli

(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Ituro sa kausap ang pangalan ng Diyos. (lmd aralin 9: #5)

7. Paggawa ng mga Alagad

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 115

8. Ang Puwede Mong Gawin Para Maitama ang Pagkakamali Mo

(15 min.) Pagtalakay.

Kahit ano ang gawin natin, magkakamali’t magkakamali pa rin tayo. (1Ju 1:8) Kapag nangyari iyan, baka mag-alala tayo sa iisipin ng iba o sa puwedeng mangyari sa atin. Pero dapat pa rin tayong humingi ng tulong at kapatawaran kay Jehova. (1Ju 1:9) Ang paglapit kay Jehova ang una nating dapat gawin para maitama ang isang pagkakamali.

Basahin ang Awit 51:​1, 2, 17. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Kung makagawa tayo ng seryosong pagkakamali, paano makakatulong ang mga sinabi ni David para mapasigla tayong humingi ng tulong kay Jehova?

I-play ang VIDEO na Buhay ng Teenager—Paano Ko Itatama ang mga Pagkakamali Ko? Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Bakit nakagawa ng pagkakamali sina Thalila at José?

  • Ano ang ginawa nila para maitama ang mga pagkakamali nila?

  • Paano iyon nakatulong sa kanila?

9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 129 at Panalangin