Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mayo 20-26

AWIT 40-41

Mayo 20-26

Awit Blg. 102 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Bakit Magandang Tumulong sa Iba?

(10 min.)

Nagiging masaya tayo kapag tumutulong tayo sa iba (Aw 41:1; w18.08 22 ¶16-18)

Tinutulungan ni Jehova ang mga tumutulong sa iba (Aw 41:​2-4; w15 12/15 24 ¶7)

Napapapurihan natin si Jehova kapag tinutulungan natin ang iba (Aw 41:13; Kaw 14:31; w17.09 12 ¶17)

TANUNGIN ANG SARILI, ‘May kakongregasyon ba ako na puwede kong tulungan para magamit niyang mabuti ang JW Library app?’

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 40:​5-10—Base sa mga talatang ito, ano ang dapat nating gawin para ipakitang tinatanggap natin si Jehova bilang Tagapamahala? (it-1 1158)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Makipag-usap sa isang tao na mukhang masaya. (lmd aralin 2: #3)

5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Makipag-usap sa isang tao na mukhang malungkot. (lmd aralin 3: #5)

6. Paggawa ng mga Alagad

(5 min.) lff aralin 14: #6. Nag-aalangan ang Bible study na magkomento sa mga pulong. Talakayin ang isang punto mula sa artikulong “Purihin si Jehova sa Kongregasyon” na nasa seksiyong “Tingnan Din.” (th aralin 19)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 138

7. Gumawa ng Mabuti sa mga May-edad

(15 min.) Pagtalakay.

Pinapahalagahan ni Jehova ang mga tapat na may-edad na at ang lahat ng ginagawa nila para sa kongregasyon. (Heb 6:10) At pinapahalagahan din natin sila. Maraming taon nilang tinuruan, sinanay, at pinatibay ang mga kapatid. Malamang na natulungan ka na rin nila. Paano mo maipapakita na pinapahalagahan mo ang mga ginawa nila at patuloy na ginagawa para sa kongregasyon?

I-play ang VIDEO na ‘Gumawa ng Mabuti sa mga Kapatid.’ Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Ano ang natutuhan ni Ji-Hoon kay Brother Ho-jin Kang?

  • Ano ang pinapahalagahan mo sa mga may-edad sa kongregasyon ninyo?

  • Ano ang matututuhan natin sa ilustrasyon tungkol sa mabuting Samaritano?

  • Sa tingin mo, bakit mabuti na isinama ni Ji-Hoon ang iba sa pagtulong kay Brother Ho-jin Kang?

Pag-isipang mabuti ang pangangailangan ng mga may-edad sa kongregasyon natin. Makikita natin na marami pala tayong pagkakataon para tulungan sila. Kapag nakita mong kailangan nila ng tulong, isipin kung paano ka makakatulong.​—San 2:​15, 16.

Basahin ang Galacia 6:10. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Paano ka ‘makakagawa ng mabuti’ sa mga may-edad sa kongregasyon ninyo?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 8 at Panalangin