Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ECLESIASTES 7-12

“Alalahanin Mo . . . ang Iyong Dakilang Maylalang sa mga Araw ng Iyong Kabinataan”

“Alalahanin Mo . . . ang Iyong Dakilang Maylalang sa mga Araw ng Iyong Kabinataan”

Habang bata ka pa, alalahanin ang iyong Dakilang Maylalang sa pamamagitan ng paggamit ng iyong mga kakayahan para makapaglingkod sa kaniya

12:1, 13

  • Maraming kabataan ang may lakas at sigla na magagamit sa pagbalikat ng mabibigat na atas

  • Bago pa mahadlangan ng pagtanda, dapat gamitin ng mga kabataan ang kanilang panahon at lakas sa paglilingkod sa Diyos

Gumamit si Solomon ng patulang pananalita para ilarawan ang mga hamon ng pagtanda

12:2-7

  • Talata 3: “Ang mga babaing tumitingin mula sa bintana ay nadidiliman”

    Lumalabong paningin

  • Talata 4: “Ang lahat ng mga anak na babae ng awitin ay humina”

    Humihinang pandinig

  • Talata 5: “Ang bunga ng alcaparra ay pumuputok”

    Nawawalan ng gana sa pagkain