PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Mga Kabataan—Huwag Ipagpaliban ang Pagpasok sa “Malaking Pinto”
Baka iniisip natin na lagi tayong malakas at hindi na natin daranasin sa sanlibutang ito ni Satanas ang “kapaha-pahamak na mga araw” na kaakibat ng pagtanda. (Ec 12:1) Kung isa kang kabataan, iniisip mo bang napakarami mo pang panahon para pag-isipan ang espirituwal na mga tunguhin gaya ng pagpasok sa buong-panahong ministeryo?
“Ang di-inaasahang pangyayari ay sumasapit” sa ating lahat, pati na sa mga kabataan. (Ec 9:11) “Hindi ninyo nalalaman kung ano ang magiging buhay ninyo bukas.” (San 4:14) Kaya hangga’t maaari, huwag ipagpaliban ang espirituwal na mga tunguhin. Pumasok sa “malaking pinto na umaakay sa gawain” habang may pagkakataon ka pa. (1Co 16:9) Hindi mo ito pagsisisihan.
Ilang tunguhin na puwedeng abutin:
-
Pangangaral sa ibang wika
-
Pagpapayunir
-
Pagpasok sa mga teokratikong paaralan
-
Paglilingkod sa konstruksiyon
-
Paglilingkod sa Bethel
-
Paglilingkod sa gawaing pansirkito