Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | KAWIKAAN 27-31

Inilalarawan ng Bibliya ang Asawang Babae na May Kakayahan

Inilalarawan ng Bibliya ang Asawang Babae na May Kakayahan

Ang Kawikaan kabanata 31 ay isang mabigat na mensahe ng ina ni Haring Lemuel. Pinayuhan siya nito kung ano ang dapat hanapin sa isang asawang babae.

Ang asawang babae na may kakayahan ay mapagkakatiwalaan

31:10-12

  • Nagbibigay siya ng magagandang mungkahi kapag gumagawa ng desisyon para sa pamilya habang nananatili siyang mapagpasakop

  • Pinagkakatiwalaan siya ng kaniyang asawa na makagagawa siya ng matalinong desisyon nang hindi na kailangan pang humingi ng permiso sa bawat pagkakataon

Ang asawang babae na may kakayahan ay masipag

31:13-27

  • Marunong siyang magtipid at mamuhay nang simple para ang kaniyang pamilya ay makapanamit nang malinis at presentable, at makakain nang sapat

  • Masipag siya at inaalagaan niya ang kaniyang sambahayan araw at gabi

Ang asawang babae na may kakayahan ay may-gulang sa espirituwal

31:30

  • May-takot siya sa Diyos at nagsisikap na magkaroon ng malapít na kaugnayan sa kaniya