PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
“Ang Nagmamay-ari sa Kaniya ay Kilala sa mga Pintuang-daan”
Ang asawang babae na may kakayahan ay nagdudulot ng karangalan sa kaniyang asawa. Noong panahon ni Haring Lemuel, ang isang lalaking may asawang babae na may kakayahan ay “kilala sa mga pintuang-daan.” (Kaw 31:23) Sa ngayon, naglilingkod ang iginagalang na mga lalaki bilang elder at ministeryal na lingkod. Kung may asawa na, malaki ang magagawa ng suporta at mahusay na paggawi ng isang asawang babae para makapaglingkod ang kaniyang asawa. (1Ti 3:4, 11) Lubhang pinahahalagahan ang mga asawang babae na may kakayahan, hindi lang ng kanilang asawa kundi pati ng kongregasyon.
Tinutulungan ng asawang babae ang kaniyang asawa na makapaglingkod kung . . .
-
pinatitibay niya ito sa pamamagitan ng mabait na pananalita.—Kaw 31:26
-
hinahayaan niya itong maglaan ng panahon para sa kongregasyon.—1Te 2:7, 8
-
namumuhay siya nang simple.—1Ti 6:8
-
hindi siya nag-uusisa tungkol sa kompidensiyal na mga bagay ng kongregasyon.—1Ti 2:11, 12; 1Pe 4:15