Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Huwag Magpaimpluwensiya sa Sanlibutan Kapag Nagpaplano ng Kasal

Huwag Magpaimpluwensiya sa Sanlibutan Kapag Nagpaplano ng Kasal

Maraming pagpapasiya ang kailangang gawin ng mga Kristiyanong magpapakasal. Baka ma-pressure silang gayahin ang magagarbong kasalan na karaniwan sa lugar nila. May sariling ideya rin ang nagmamalasakit na mga kaibigan at kapamilya ng ikakasal. Anong mga prinsipyo, o simulain, sa Bibliya ang makakatulong sa kanila habang nagpaplano sila ng kasal para wala silang pagsisihan at manatiling malinis ang konsensiya nila?

PANOORIN ANG VIDEO NA MGA KASALAN NA NAGPAPARANGAL KAY JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano nakatulong kina Nick at Juliana ang sumusunod na mga simulain sa Bibliya?

  • Bakit dapat pumili ang magpapakasal ng may-gulang na brother na magiging ‘tagapangasiwa sa handaan,’ o director of the feast?—Juan 2:9, 10.

  • Paano nakagawa ng personal na pagpapasiya sina Nick at Juliana para sa kanilang kasal?

  • Sino talaga ang dapat magpasiya sa magiging seremonya at handaan sa kasal?—w06 10/15 25 ¶10.