Nobyembre 16-22
LEVITICO 4-5
Awit 84 at Panalangin
Pambungad na Komento (1 min.)
KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
“Ibigay kay Jehova ang Buong Makakaya Mo”: (10 min.)
Lev 5:5, 6—Ang mga nakagawa ng ilang partikular na kasalanan ay dapat maghain ng isang kordero o kambing bilang handog para sa pagkakasala (it-1 892 ¶1)
Lev 5:7—Ang mahihirap na hindi makapaghandog ng kordero o kambing ay puwedeng maghandog ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati (w09 6/1 26 ¶3)
Lev 5:11—Ang mahihirap na hindi makapaghandog ng batubato o inakáy ng kalapati ay puwedeng maghandog ng ikasampu ng isang epa ng magandang klase ng harina (w09 6/1 26 ¶4)
Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas: (10 min.)
Lev 5:1—Ano ang matututuhan ng mga Kristiyano sa tekstong ito? (w16.02 30 ¶14)
Lev 5:15, 16—Paano posibleng “gumawi nang di-tapat [ang isang tao] dahil sa di-sinasadyang pagkakasala laban sa mga banal na bagay ni Jehova”? (it-1 1305 ¶7)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang gusto mong ikomento tungkol sa Diyos na Jehova, sa ministeryo, o iba pa?
Pagbabasa ng Bibliya: (4 min. o mas maikli) Lev 4:27–5:4 (th aralin 5)
MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO
Unang Pag-uusap: (3 min. o mas maikli) Magsimula gamit ang sampol na pakikipag-usap; gamitin ang Isaias 9:6, 7. (th aralin 12)
Pagdalaw-Muli: (4 min. o mas maikli) Magsimula gamit ang sampol na pakikipag-usap; gamitin ang Awit 72:16. (th aralin 4)
Pag-aaral sa Bibliya: (5 min. o mas maikli) lvs 209 ¶22-23 (th aralin 19)
PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Magkasamang Nagpayunir Nang 60 Taon—Sa Tulong ni Jehova: (15 min.) I-play ang video. Pagkatapos, itanong ang mga sumusunod: Anong mga pribilehiyo ang tinanggap nina Takako at Hisako? Ano ang naging problema sa kalusugan ni Takako, at ano ang nakatulong sa kaniya? Ano ang nakatulong sa kanila na maging masaya at kontento? Paano naging totoong-totoo sa kanila ang Kawikaan 25:11, Eclesiastes 12:1, at Hebreo 6:10?
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya: (30 min. o mas maikli) rr “Liham Mula sa Lupong Tagapamahala” at “Paliwanag sa Espesyal na mga Feature”
Pangwakas na Komento (3 min. o mas maikli)
Awit 95 at Panalangin