Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | LEVITICO 8-9

Katibayan ng Pagpapala ni Jehova

Katibayan ng Pagpapala ni Jehova

8:6-9, 12; 9:1-5, 23, 24

Tinupok ni Jehova ng apoy ang unang handog na sinusunog ng bagong-atas na mga saserdote sa pamilya ni Aaron. Ipinapakita nito na sinusuportahan at sinasang-ayunan ni Jehova ang pag-aatas. Kaya napasigla ni Jehova ang mga Israelitang nakasaksi na lubusang suportahan ang mga saserdote. Sa ngayon, ginagamit ni Jehova ang niluwalhating si Jesu-Kristo bilang ang mas dakilang Mataas na Saserdote. (Heb 9:11, 12) Noong 1919, inatasan ni Jesus ang isang maliit na grupo ng mga pinahirang lalaki bilang ang “tapat at matalinong alipin.” (Mat 24:45) Ano ang katibayan na pinagpapala, sinusuportahan, at sinasang-ayunan ni Jehova ang tapat na alipin?

  • Sa kabila ng mga pag-uusig, patuloy pa ring naglalaan ng espirituwal na pagkain ang tapat na alipin

  • Gaya ng inihula, ang mabuting balita ay ipinapangaral “sa buong lupa.”​—Mat 24:14

Paano natin maipapakita na lubusan nating sinusuportahan ang tapat at matalinong alipin?