PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ang Halaga ng “Dalawang Maliliit na Barya”
Ang donasyon ng biyuda ay hindi sapat para makabili ng simpleng hapunan. (Tingnan ang study note na “buong ikabubuhay niya” sa Lucas 21:4, nwtsty.) Pero makikita dito kung gaano kahalaga sa kaniya ang pagsamba kay Jehova. Iyan ang dahilan kung bakit napakahalaga ng donasyon niya sa kaniyang Ama sa langit.—Mar 12:43.
PANOORIN ANG VIDEO NA ‘ISANG KALOOB PARA KAY JEHOVA.’ PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Ano ang ilang gawaing sinusuportahan ng ating donasyon?
-
Bakit napakahalaga ng ating donasyon kahit parang maliit na halaga lang ang ibinibigay natin?
-
Paano natin malalaman ang iba pang paraan ng pagbibigay ng donasyon na available sa bansa natin?—Tingnan ang kahong “ Tingnan Online”