Kung Bakit Naghahandog
Ang paghahandog, o paghahain, na iniutos sa ilalim ng tipang Kautusan ay nagpapasaya kay Jehova, at inilalarawan nito ang haing pantubos ni Jesus o ang mga pakinabang ng haing iyon.—Heb 8:3-5; 9:9; 10:5-10.
-
Ang lahat ng hayop na inihahain ay dapat na malusog at walang depekto; perpekto rin at walang kasalanan ang katawang inihain ni Jesus.—1Pe 1:18, 19
-
Ang mga handog na sinusunog ay inihahain sa Diyos nang buo; ibinigay rin ni Jesus nang buo ang kaniyang sarili kay Jehova
-
Ang mga naghahandog ng katanggap-tanggap na haing pansalo-salo ay may mapayapang kaugnayan sa Diyos; mayroon ding mapayapang kaugnayan sa Diyos ang mga pinahiran na nakikibahagi sa Hapunan ng Panginoon