PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Anong mga Tunguhin ang Puwedeng Abutin ng mga Sister?
Malaki ang naitutulong ng mga sister sa gawaing pang-Kaharian. (Aw 68:11) Sila ang nagtuturo sa karamihan ng mga Bible study. Malaking porsiyento ng mga regular pioneer ay sister. Libo-libong masisipag na sister ang naglilingkod bilang Bethelite, misyonera, construction volunteer o servant, at translator. Pinapatibay ng may-gulang na mga sister ang mga kapamilya nila at kakongregasyon. (Kaw 14:1) Hindi naglilingkod ang mga sister bilang elder o ministeryal na lingkod, pero puwede pa rin silang umabót ng mga tunguhin sa kongregasyon. Kung isa kang sister, anong mga tunguhin ang puwede mong abutin?
-
Pasulungin ang mga katangiang Kristiyano.—1Ti 3:11; 1Pe 3:3-6
-
Tulungan ang mga baguhang sister sa kongregasyon.—Tit 2:3-5
-
Dagdagan ang panahon sa ministeryo at pasulungin ang kalidad nito
-
Mag-aral ng ibang wika
-
Lumipat kung saan mas malaki ang pangangailangan
-
Mag-apply sa Bethel o tumulong sa pagtatayo ng mga pasilidad para sa pagsamba
-
Mag-apply sa School for Kingdom Evangelizers
PANOORIN ANG VIDEO NA MGA BABAENG “MATIYAGANG NAGLILINGKOD SA PANGINOON.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:
-
Paano ka napatibay ng mga sister na nasa video?