PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Abangan at Huwag Matakot sa Katapusan ng Sistemang Ito
May hangganan ang pasensiya ni Jehova. Napakalapit na niyang wakasan ang sistemang ito. Pupuksain ang huwad na relihiyon, sasalakayin ng koalisyon ng mga bansa ang bayan ng Diyos, at lilipulin ni Jehova ang masasama sa Armagedon. Inaabangan natin ang napakahalaga at kapana-panabik na mga pangyayaring ito.
Hindi natin alam ang lahat ng detalye tungkol sa malaking kapighatian. Halimbawa, hindi natin alam kung kailan ito eksaktong magsisimula. Hindi natin alam kung ano ang gagamiting basehan ng mga gobyerno sa pag-atake nila sa relihiyon. Hindi natin alam kung gaano katagal ang pag-atake ng mga bansa sa bayan ng Diyos, o kung paano nila ito gagawin. Hindi rin natin alam ang eksaktong gagamitin ni Jehova sa Armagedon para puksain ang masasama.
Pero mababasa sa Kasulatan ang lahat ng impormasyong kailangan natin para maharap ang mga ito nang may pagtitiwala at lakas ng loob. Halimbawa, alam nating nabubuhay na tayo sa katapusan ng “mga huling araw.” (2Ti 3:1) Alam nating “paiikliin” ang pag-atake sa mga relihiyon para hindi mapuksa ang tunay na relihiyon. (Mat 24:22) Alam nating ililigtas ni Jehova ang kaniyang bayan. (2Pe 2:9) At alam din nating matuwid at makapangyarihan ang Isa na pinili ni Jehova para puksain ang masasama sa Armagedon at iligtas ang malaking pulutong.—Apo 19:11, 15, 16.
Siguradong “mahihimatay sa takot” ang mga tao dahil sa mga pangyayaring ito. Pero ‘makakatayo tayo nang tuwid at maitataas natin ang ating ulo’ kung babasahin natin at bubulay-bulayin ang mga pagliligtas ni Jehova noon at ang mga isiniwalat niya tungkol sa hinaharap.—Luc 21:26, 28.