KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
May Hangganan ang Pasensiya ni Jehova
Pinahintulutan ni Jehova na masakop ng Asirya ang Israel (2Ha 17:5, 6; it-2 1059 ¶3)
Dinisiplina ni Jehova ang kaniyang bayan dahil sa paulit-ulit na pagsuway sa kaniya (2Ha 17:9-12; it-2 614)
Naging mapagpasensiya si Jehova sa Israel at paulit-ulit niya itong binabalaan (2Ha 17:13, 14)
Ang maibigin nating Ama sa langit ay matiisin, o mapagpasensiya, sa mga tao. (2Pe 3:9) Pero para matupad ang layunin niya, malapit na niyang lipulin ang masasama. Paano tayo dapat mapakilos nito na itama ang mga pagkakamali natin at mangaral nang apurahan?