PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Masaya Kahit Pinag-uusig
Inaasahan nating mga Kristiyano na pag-uusigin tayo. (Ju 15:20) Mahirap at nakakatakot ang pag-uusig, pero puwede pa rin tayong maging masaya kapag nakakapagtiis tayo.—Mat 5:10-12; 1Pe 2:19, 20.
PANOORIN ANG VIDEO NA PUWEDE TAYONG MAGING MASAYA KAHIT . . . MAY PAG-UUSIG. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Ano ang natutuhan mo sa karanasan ni Brother Bazhenov tungkol sa
-
araw-araw na pagbabasa ng Bibliya?
-
pagtanggap ng tulong mula sa mga kapatid? a
-
madalas na pananalangin?
-
pagkanta ng mga awiting pang-Kaharian?
-
pagsasabi sa iba ng ating pananampalataya?
a Puwede nating ipanalangin ang mga kapatid na nakabilanggo, at banggitin pa nga ang pangalan nila. Pero hindi natin pakikisuyuan ang tanggapang pansangay na ipadala ang personal na mga liham sa mga kapatid na ito.