Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mahalaga kay Jehova ang mga Panalangin Natin

Mahalaga kay Jehova ang mga Panalangin Natin

Ang mga panalanging katanggap-tanggap kay Jehova ay gaya ng mabangong insensong inihahandog noon sa templo. (Aw 141:2) Kapag sinasabi natin sa Ama natin sa langit na mahal natin siya, ikinukuwento ang mga iniisip at gusto natin, at nagpapasalamat tayo at humihingi ng patnubay, ipinapakita nito na mahalaga sa atin ang pakikipagkaibigan natin sa kaniya. Mahalaga kay Jehova ang maiikling panalangin sa pulong dahil kasama iyon sa pagsamba natin. Pero siguradong natutuwa si Jehova sa panalangin ng bawat isa sa atin, lalo na kung hindi natin ito minamadali at ibinubuhos natin sa kaniya ang laman ng puso natin.​—Kaw 15:8.

PANOORIN ANG VIDEO NA LAGI AKONG NANANALANGIN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Ano-ano ang mga naging pribilehiyo ni Brother Johnson?

  • Paano nakita sa pananalangin ni Brother Johnson na umaasa siya kay Jehova?

  • Ano ang natutuhan mo mula sa karanasan ni Brother Johnson?