PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Hindi Lilimutin ni Jehova ang mga Ginawa Natin
Baka nararamdaman natin kung minsan na nakakalimutan at hindi napapahalagahan ang ginagawa natin para sa iba. Nakakalimutan din ba ni Jehova ang ginagawa natin para sa kaniya? Pinapahalagahan niya at hinding-hindi niya lilimutin ang buong puso nating paglilingkod. Kahit limitado na ang nagagawa natin dahil sa pagkakasakit, hindi niya tayo pababayaan.—Heb 6:10.
PANOORIN ANG VIDEO NA HINDI NAKAKALIMOT SI JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Bakit masasabing naglingkod nang husto si Brother Hibshman para kay Jehova?
-
Paano ipinakita ni Jehova na hindi niya kinalimutan si Brother Hibshman nang mamatay ang asawa nito at limitado na ang nagagawa dahil sa pagtanda?
-
Bakit masasabing punong-puno ng pagpapala si Brother Hibshman dahil sa buong-panahong paglilingkod niya?—Kaw 10:22