Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

“Mapupuksa ang Buong Sambahayan ni Ahab”—2Ha 9:8

“Mapupuksa ang Buong Sambahayan ni Ahab”—2Ha 9:8

KAHARIAN NG JUDA

Si Jehosapat ang hari

mga 911 B.C.E.: Si Jehoram (anak ni Jehosapat; asawa ni Athalia na anak nina Ahab at Jezebel) ang naging nagsosolong tagapamahala

mga 906 B.C.E.: Si Ahazias (apo nina Ahab at Jezebel) ang naging hari

mga 905 B.C.E.: Pinatay ni Athalia ang lahat ng anak ng hari at inagaw ang trono. Si Jehoas lang na apo niya ang nakaligtas at itinago ng mataas na saserdoteng si Jehoiada.​—2Ha 11:1-3

898 B.C.E.: Si Jehoas ang naging hari. Ipinapatay ng mataas na saserdoteng si Jehoiada ang reynang si Athalia.​—2Ha 11:4-16

KAHARIAN NG ISRAEL

mga 920 B.C.E.: Si Ahazias (anak nina Ahab at Jezebel) ang naging hari

mga 917 B.C.E.: Si Jehoram (anak nina Ahab at Jezebel) ang naging hari

mga 905 B.C.E.: Pinatay ni Jehu ang hari ng Israel na si Jehoram at ang mga kapatid nito, si Jezebel (ina ni Jehoram), at ang hari ng Juda na si Ahazias at ang mga kapatid nito.​—2Ha 9:14–10:17

mga 904 B.C.E.: Namahala si Jehu bilang hari