Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

“Maging Mapagbigay”

“Maging Mapagbigay”

Ipinahiwatig ni Jesus na nakakahawa ang pagiging mapagbigay. (Luc 6:38) Kung mapagbigay ka, napapasigla mo rin ang mga kapatid na maging mabait at mapagbigay.

Ang masayang pagbibigay ay bahagi ng ating pagsamba. Napapansin ni Jehova ang mga mapagbigay at tumutulong sa mga kapatid na nangangailangan, at nangangako siyang pagpapalain niya sila.​—Kaw 19:17.

PANOORIN ANG VIDEO NA SALAMAT DAHIL MAPAGBIGAY KAYO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano ginagamit ang mga donasyon mo para tulungan ang mga kapatid?

  • Bakit dapat tayong patuloy na magbigay, gaano man kaliit ang naibibigay natin?​—Tingnan din sa jw.org ang artikulong “Napunan ng Sobra ang Kulang.”