Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Disyembre 23-29

AWIT 119:​121-176

Disyembre 23-29

Awit Blg. 31 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Kung Paano Mo Maiiwasang Masaktan

(10 min.)

Mahalin ang mga utos ng Diyos (Aw 119:127; w18.06 17 ¶5-6)

Kapootan ang masama (Aw 119:128; w93 4/15 17 ¶12)

Makinig kay Jehova, at iwasang magkamali gaya ng “mga walang karanasan” (Aw 119:​130, 133; Kaw 22:3)

TANUNGIN ANG SARILI, ‘Ano pa ang mga kailangan kong gawin para mas mahalin ko ang mga utos ng Diyos at mas kapootan ang masama?’

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 119:160—Ayon sa tekstong ito, sa ano tayo dapat maging kumbinsido? (w23.01 2 ¶2)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) BAHAY-BAHAY. (lmd aralin 1: #5)

5. Pagdalaw-Muli

(4 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakita sa kausap mo kung paano maghahanap sa jw.org ng impormasyong magugustuhan niya. (lmd aralin 8: #3)

6. Paggawa ng mga Alagad

(5 min.) Pakikipag-usap sa isang Bible study na hindi regular na dumadalo sa pulong. (lmd aralin 12: #4)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 121

7. Huwag Hayaang Masaktan Ka Dahil sa Pera

(15 min.) Pagtalakay.

‘Dumaranas ng maraming kirot’ ang mga umiibig sa pera. (1Ti 6:​9, 10) Makikita sa ibaba ang mga puwede nating maranasan kapag inibig natin ang pera at hinayaan itong maging pinakamahalaga sa buhay natin.

  • Hindi tayo magiging malapít kay Jehova.​—Mat 6:24

  • Hindi tayo magiging kontento.​—Ec 5:10

  • Mahihirapan tayong umiwas sa paggawa ng masama, gaya ng pagsisinungaling, pagnanakaw, at pandaraya. (Kaw 28:20) At kapag nangyari iyan, makokonsensiya tayo, magkakaroon tayo ng masamang reputasyon, at maiwawala natin ang pagsang-ayon ng Diyos

Basahin ang Hebreo 13:5. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Anong pananaw sa pera ang dapat mong iwasan para hindi ka masaktan, at bakit?

Kahit hindi natin iniibig ang pera, masasaktan pa rin tayo kung mali ang paggamit natin dito.

I-play ang WHITEBOARD ANIMATION na Paano Mo Gagamitin Nang Tama ang Pera Mo? Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Bakit kailangan nating gumawa ng budget, at paano natin ito magagawa?

  • Bakit mahalagang mag-ipon ng pera?

  • Bakit magandang iwasang mangutang kung hindi naman kailangan?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 101 at Panalangin