Nobyembre 18-24
AWIT 107-108
Awit Blg. 7 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. “Magpasalamat Kayo kay Jehova, Dahil Siya ay Mabuti”
(10 min.)
Iniligtas tayo ni Jehova mula sa mundo ni Satanas, gaya ng pagliligtas niya sa Israel mula sa Babilonya (Aw 107:1, 2; Col 1:13, 14)
Pinupuri natin si Jehova sa kongregasyon dahil nagpapasalamat tayo sa kaniya (Aw 107:31, 32; w07 4/15 20 ¶2)
Mas nagiging mapagpasalamat tayo kay Jehova kapag pinag-iisipan natin ang mga ginawa niya para sa atin (Aw 107:43; w15 1/15 9 ¶4)
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
-
Aw 108:9—Bakit ikinumpara sa “hugasan” ng Diyos ang Moab? (it-2 412 ¶2)
-
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Aw 107:1-28 (th aralin 5)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. (lmd aralin 1: #4)
5. Pagdalaw-Muli
(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Sabihin sa kausap ang tungkol sa iniaalok nating pag-aaral sa Bibliya, at mag-iwan ng Bible study contact card. (lmd aralin 9: #3)
6. Pahayag
(5 min.) ijwyp 90—Tema: Paano Ko Maiiwasang Maging Negatibo? (th aralin 14)
Awit Blg. 46
7. Kumakanta Tayo Para Pasalamatan si Jehova
(15 min.) Pagtalakay.
Matapos iligtas ni Jehova ang takót na takót na mga Israelita sa makapangyarihang hukbo ng mga Ehipsiyo sa Dagat na Pula, napaawit sila ng pasasalamat sa kaniya. (Exo 15:1-19) Mga lalaki ang nanguna sa pag-awit. (Exo 15:21) Umawit din si Jesus at ang mga Kristiyano noon para purihin ang Diyos. (Mat 26:30; Col 3:16) Naipapakita natin ang pasasalamat natin kay Jehova kapag kumakanta tayo sa mga pulong, asamblea, at kombensiyon. Halimbawa, kinakanta na mula pa noong 1966 ang awit na “Salamat, Jehova,” na kakatapos lang nating kantahin.
Sa ilang lugar, nahihiyang kumanta ang mga lalaki kapag may mga tao. Ayaw namang kumanta ng iba kasi hindi raw maganda ang boses nila. Pero dapat nating tandaan na bahagi ng pagsamba natin ang pagkanta sa mga pulong. Malaking pagsisikap ang ginagawa ng organisasyon ni Jehova para makagawa ng magagandang kanta, pati na ang pagpili sa mga awit na babagay sa bawat pulong. Ang kailangan lang nating gawin, umawit nang sama-sama sa mga pulong para ipakita ang pag-ibig at pasasalamat natin sa ating Ama sa langit.
I-play ang VIDEO na Ang Ating Kasaysayan at Pagsulong—Mga Awit na Regalo ng Diyos, Bahagi 2. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
-
Anong mahalagang pangyayari ang naganap noong 1944?
-
Paano ipinakita ng mga kapatid natin sa Siberia na mahalaga sa kanila ang pagkanta ng mga awiting pang-Kaharian?
-
Bakit napakahalaga sa mga Saksi ni Jehova ang pagkanta?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 18 ¶6-15