Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | KAWIKAAN 12-16

Ang Karunungan ay Mas Mabuti Kaysa sa Ginto

Ang Karunungan ay Mas Mabuti Kaysa sa Ginto

Bakit napakahalaga ng karunungang mula sa Diyos? Dahil inilalayo nito mula sa masama at iniingatang buháy ang mga nagtataglay nito. May maganda rin itong epekto sa kanilang pag-iisip, pananalita, at pagkilos.

Ang karunungan ay proteksiyon laban sa pagmamapuri

16:18, 19

  • Kinikilala ng taong marunong na si Jehova ang Pinagmumulan ng lahat ng karunungan

  • Ang mga taong nagtatagumpay o tumatanggap ng mas maraming pananagutan ay lalo nang dapat mag-ingat laban sa pagmamapuri at kapalaluan

Itinataguyod ng karunungan ang mabuting pananalita

16:21-24

  • Gamit ang kaunawaan, hinahanap ng taong marunong ang mabuti sa iba at nagsasalita ng positibo tungkol sa kanila

  • Ang mabuting pananalita ay mapanghikayat at kasiya-siyang gaya ng pulot-pukyutan, hindi ito mabagsik o agresibo