Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kung Paano Magbibigay ng Nakapagpapatibay na Komento

Kung Paano Magbibigay ng Nakapagpapatibay na Komento

Ang mahusay na komento ay nakapagpapatibay sa kongregasyon. (Ro 14:19) Nakikinabang din ang mga nagkokomento. (Kaw 15:23, 28) Kaya dapat tayong magkomento kahit isang beses lang sa bawat pagpupulong. Siyempre pa, hindi naman tayo laging matatawag sa tuwing nagtataas tayo ng kamay. Kaya makabubuting maghanda ng ilang komento.

Ang nakapagpapatibay na komento ay . . .

  • simple, maliwanag, at maikli—karaniwan nang 30 segundo o mas maikli

  • sinasabi sa sariling pananalita

  • hindi pag-uulit ng naunang mga komento

Kung ikaw ang unang tinawag, . . .

  • magbigay ng simple at direktang sagot sa tanong

Kung ang tanong ay nasagot na, maaari mong . . .

  • banggitin kung paano nauugnay ang siniping teksto sa pinag-aaralan

  • sabihin kung paano makaaapekto sa ating buhay ang aralin

  • ipaliwanag kung paano magagamit ang impormasyon

  • ibahagi sa maikli ang isang karanasan na magdiriin sa susing punto