Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | KAWIKAAN 1-6

“Magtiwala Ka kay Jehova Nang Iyong Buong Puso”

“Magtiwala Ka kay Jehova Nang Iyong Buong Puso”

Karapat-dapat si Jehova sa ating lubos na pagtitiwala. Dahil sa kahulugan ng kaniyang pangalan, tumitibay ang ating pagtitiwala na kaya niyang tuparin ang lahat ng kaniyang pangako. Malaki ang nagagawa ng panalangin para tumibay ang pagtitiwala natin sa kaniya. Tinitiyak sa atin ng Kawikaan kabanata 3 na kung magtitiwala tayo kay Jehova, pagpapalain niya tayo at ‘itutuwid niya ang ating landas.’

Ang isa na marunong sa kaniyang sariling paningin ay . . .

3:5-7

  • gumagawa ng mga desisyon nang hindi humihingi ng patnubay kay Jehova

  • nagtitiwala sa sariling kaisipan o sa kaisipan ng sanlibutan

Ang isa na nagtitiwala kay Jehova ay . . .

  • naglilinang ng matalik na kaugnayan sa kaniya sa pamamagitan ng pag-aaral sa Bibliya, pagbubulay-bulay, at panalangin

  • humihingi sa kaniya ng patnubay sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng mga simulain sa Bibliya kapag gumagawa ng mga desisyon

ALIN SA MGA HAKBANG NA ITO ANG GINAGAWA KO KAPAG NAGDEDESISYON?

UNA: Gagawin ko ang sa palagay ko ay pinakamabuti

UNA: Lalapit ako kay Jehova para sa patnubay sa pamamagitan ng panalangin at personal na pag-aaral

IKALAWA: Hihilingin ko kay Jehova na pagpalain ang aking desisyon

IKALAWA: Magdedesisyon ako kaayon ng mga simulain ng Bibliya