Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sampol na Presentasyon

Sampol na Presentasyon

GUMISING!

Tanong: Nagdududa ang ilan kung talagang nabuhay si Jesus, pero may mga kumbinsidong nabuhay talaga siya. Para naman sa iba, walang paraan para matiyak ito. Ano sa palagay mo?

Alok: Mababasa sa isyung ito ng Gumising! kung ano ang ipinakikita ng mga ebidensiya.

ITURO ANG KATOTOHANAN

Tanong: Ano ang nangyayari kapag namatay tayo?

Teksto: Ju 11:11-14

Katotohanan: Kapag namatay ang isa, nagwawakas na ang kaniyang buhay. Kaya hindi tayo dapat matakot, dahil walang kabilang-buhay. Inihambing ni Jesus ang kamatayan sa pagtulog. Pero gaya ng ginawa niya kay Lazaro, “gigisingin” ni Jesus ang mga namatay na para masiyahan ulit sa buhay rito sa lupa.—Job 14:14.

IMBITASYON SA PULONG NG KONGREGASYON (inv)

Alok: Gusto kitang imbitahan sa isang pahayag sa Bibliya. Wala itong bayad, at gaganapin ito sa Kingdom Hall, ang lugar ng pagsamba namin. [Ialok ang imbitasyon, ipakita ang lokasyon at oras ng pulong sa dulong sanlinggo, at banggitin ang paksa ng pahayag pangmadla.]

Tanong: Nakapunta ka na ba sa Kingdom Hall? [Kung angkop, ipapanood ang video na Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall?]

GUMAWA NG SARILING PRESENTASYON

Gamitin ang format ng naunang mga halimbawa para gumawa ng sariling presentasyon sa paglilingkod sa larangan.