Ang Magagandang Katangian ni Jehova
Dahil pinapahalagahan ni Moises ang mga katangian ni Jehova, nagawa niyang maging matiisin sa mga Israelita. Kung mas kikilalanin din natin si Jehova, magagawa rin nating maging matiisin sa mga kapananampalataya natin.
-
“Maawain at mapagmalasakit”: Mahal na mahal ni Jehova ang mga lingkod niya at nagmamalasakit siya sa kanila, gaya ng pagmamahal at pagmamalasakit ng isang magulang sa kaniyang mga anak
-
“Hindi madaling magalit”: Pinagpapasensiyahan ni Jehova ang mga lingkod niya kapag nagkakamali sila, at binibigyan niya sila ng panahon na magbago
-
“Sagana sa tapat na pag-ibig”: Dahil tapat ang pag-ibig ni Jehova sa kaniyang bayan, hinding-hindi niya sila iiwan
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Paano ko matutularan ang awa at pagmamalasakit ni Jehova?’