PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Mga Kabataan—Si Jehova Ba ang Best Friend Ninyo?
Anong mga katangian ang hinahanap mo sa isang kaibigan? Baka ang isagot mo ay mabait, bukas-palad, at hindi nang-iiwan. Ganiyang-ganiyan si Jehova. (Exo 34:6; Gaw 14:17) Nakikinig siya sa mga panalangin mo. Tinutulungan ka niya kapag may problema ka. (Aw 18:19, 35) Pinapatawad niya ang mga pagkakamali mo. (1Ju 1:9) Talagang mabuting Kaibigan si Jehova!
Paano mo magiging kaibigan si Jehova? Kilalanin mo siya sa pamamagitan ng pagbabasa ng kaniyang Salita. Sabihin sa kaniya ang mga problema mo. (Aw 62:8; 142:2) Pahalagahan ang mga pinapahalagahan ni Jehova, gaya ng kaniyang Anak, Kaharian, at mga pangako sa hinaharap. Ipakilala siya sa iba. (Deu 32:3) Kung sisikapin mong magkaroon ng malapít na kaugnayan kay Jehova, magiging Kaibigan mo siya magpakailanman.—Aw 73:25, 26, 28.
PANOORIN ANG VIDEO NA MGA KABATAAN—“TIKMAN AT TINGNAN NA SI JEHOVA AY MABUTI.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Paano ka makakapaghanda para sa pag-aalay at bautismo?
-
Paano ka matutulungan ng mga kapatid sa kongregasyon sa paglilingkod kay Jehova?
-
Paano makakatulong ang ministeryo para mas mapalapit ka kay Jehova?
-
Anong mga pribilehiyo ang bukás para sa iyo?
-
Anong katangian ni Jehova ang gustong-gusto mo?