PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Espesyal na Kampanya sa Nobyembre Para Ipangaral ang Kaharian ng Diyos
Ipinangaral ni Jesus ang “mabuting balita ng Kaharian ng Diyos.” (Luc 4:43) Itinuro din niya sa mga tao na ipanalangin ang Kahariang iyon. (Mat 6:9, 10) Sa Nobyembre, magkakaroon tayo ng espesyal na kampanya para ipangaral ang Kaharian ng Diyos. (Mat 24:14) Isaayos ang iskedyul mo para lubusan mong masuportahan ang kampanyang ito. Ang mga auxiliary pioneer sa buwang ito ay puwedeng pumili kung 30 o 50 oras ang aabutin nila.
Sikaping makapagbasa ng teksto tungkol sa Kaharian ng Diyos sa lahat ng tao kung posible. Kapag pumipili ng teksto, isaalang-alang ang paniniwala ng mga tao sa inyong teritoryo. Kapag interesado ang kausap, bigyan siya ng pampublikong edisyon ng Bantayan Blg. 2 2020. Pagkatapos, balikan siya agad kung posible, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang isang publikasyon mula sa Toolbox sa Pagtuturo. Napakalapit nang durugin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng gobyernong kumakalaban dito. (Dan 2:44; 1Co 15:24, 25) Kaya samantalahin sana natin ang espesyal na pagkakataong ito para maipakita ang ating katapatan kay Jehova at sa kaniyang Kaharian!