Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 37-38

Mga Altar sa Tabernakulo at ang Kahalagahan Nito sa Tunay na Pagsamba

Mga Altar sa Tabernakulo at ang Kahalagahan Nito sa Tunay na Pagsamba

37:25, 29; 38:1

Ginawa ang mga altar ng tabernakulo ayon sa tagubilin ni Jehova, at may kahalagahan ito.

  • Gaya ng pagsusunog ng insenso na mahusay ang pagkakatimpla, nalulugod din si Jehova sa angkop na panalangin ng mga lingkod niya

  • Tinanggap ni Jehova ang mga haing inialay sa altar ng handog na sinusunog. Ang lokasyon nito sa harap ng santuwaryo ay nagpapaalala sa atin na kailangan nating manampalataya sa haing pantubos ni Jesus para malugod sa atin ang Diyos.​—Ju 3:16-18; Heb 10:5-10

Ano ang kailangan nating gawin para ang ating mga panalangin ay maging gaya ng insenso sa harap ng Diyos?​—Aw 141:2