PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pahalagahan ang Kaugnayan Mo kay Jehova
May espesyal na pribilehiyo ang mga Saksi ni Jehova. Bilang nakaalay at bautisadong mga Kristiyano, patuloy nating pinapatibay ang kaugnayan natin kay Jehova, ang Kataas-taasang Panginoon. Inilapit niya tayo sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang Anak. (Ju 6:44) Pinapakinggan niya ang mga panalangin natin.—Aw 34:15.
Paano natin maiingatan ang kaugnayan natin sa Diyos? Huwag nating gayahin ang ginawa ng mga Israelita. Pagkatapos nilang makipagtipan kay Jehova, gumawa sila ng gintong guya at sinamba ito. (Exo 32:7, 8; 1Co 10:7, 11, 14) Tanungin ang sarili: ‘Ano ang ginagawa ko kapag natutukso akong gumawa ng mali? Makikita ba sa mga ginagawa ko na mahalaga sa akin ang kaugnayan ko kay Jehova?’ Kung mahal na mahal natin ang ating Ama sa langit, iiwasan natin ang mga kinapopootan niya.—Aw 97:10.
PANOORIN ANG VIDEO NA INGATAN ANG KAUGNAYAN MO KAY JEHOVA (COL 3:5). PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Ano ang kaimbutan?
-
Bakit dapat nating iwasan ang kasakiman at idolatriya?
-
Ano ang pagkakatulad ng pangangalunya at ng idolatriya?
-
Bakit kailangang tiyakin ng mga may pananagutan sa organisasyon na naibibigay nila ang mga pangangailangan ng asawa nila?