Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 31-32

Tumakas Mula sa Idolatriya

Tumakas Mula sa Idolatriya

32:1, 4-6, 9, 10

Ang naging pananaw ng mga Israelita sa pagsamba sa idolo ay malamang na dahil sa impluwensiya ng mga Ehipsiyo. Maraming uri ng idolatriya sa ngayon, at ang ilan ay hindi madaling mahalata. Baka nga hindi tayo sasamba sa mga idolo, pero masasabi pa ring mananamba tayo nito kung hahayaan nating hindi maging buong kaluluwa ang pagsamba natin kay Jehova dahil sa makasariling mga kagustuhan.

Anong mga ginagawa ko sa araw-araw ang puwedeng maging dahilan para hindi maging buong kaluluwa ang pagsamba ko kay Jehova, at ano ang puwede kong gawin para hindi ako makontrol ng mga ito?