PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Maging Matalino sa Paggamit ng mga Literatura sa Bibliya
Itinuro ni Jesus: “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.” (Mat 10:8) Sinusunod natin ang malinaw na tagubiling iyan dahil ipinamamahagi natin nang libre ang Bibliya o salig-Bibliyang mga publikasyon. (2Co 2:17) Ang mga publikasyong ito ay naglalaman ng mahahalagang katotohanan mula sa Salita ng Diyos. Kailangan ang malaking halaga at pagsisikap para maimprenta at maipadala ang ating mga literatura sa mga kongregasyon sa buong daigdig. Kaya naman, kumuha lang tayo ng literaturang kailangan natin.
Isiping mabuti kung dapat bigyan ng literatura ang kausap, kahit sa pampublikong pagpapatotoo. (Mat 7:6) Sa halip na basta lang mamigay ng mga literatura sa mga nagdaraan, sikaping kausapin sila para malaman kung interesado sila. Oo ba ang sagot mo sa kahit isa sa mga tanong sa kahon? Kung hindi mo matiyak kung interesado ang iyong kausap, makabubuting mag-iwan ng tract. Pero siyempre, kung humingi siya ng magasin o iba pang publikasyon, dapat natin siyang bigyan.—Kaw 3:27, 28.