Magdudulot ng Malaking Kagalakan ang mga Bagong Langit at Bagong Lupa
Tiyak na matutupad ang pangako ng Diyos tungkol sa pagsasauli na nakaulat sa Isaias kabanata 65, anupat sinabi ito ni Jehova na parang natupad na.
Lumalang si Jehova ng mga bagong langit at bagong lupa, kung saan ang mga dating bagay ay hindi na aalalahanin
Ano ang mga bagong langit?
-
Isang bagong gobyerno na magdudulot ng katuwiran sa lupa
-
Itinatag ito noong 1914 nang iluklok si Kristo bilang Hari sa Kaharian ng Diyos
Ano ang bagong lupa?
-
Ito ang lipunan ng mga tao mula sa lahat ng bansa, wika, at lahi na nagpapasakop sa pamamahala ng bagong makalangit na gobyerno
Ano ang mga dating bagay na hindi na aalalahanin?
-
Ang ugat ng masasakit na alaala—pisikal, mental, at emosyonal na pagdurusa—ay mawawala na
-
Ang tapat na mga tao ay lubos na masisiyahan sa buhay, at magkakaroon sila ng magagandang alaala sa bawat araw