Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

“Parangalan Mo ang Iyong Ama at ang Iyong Ina”

“Parangalan Mo ang Iyong Ama at ang Iyong Ina”

Noong nasa lupa si Jesus, idiniin niya ang utos: “Parangalan mo ang iyong ama at ang iyong ina.” (Exo 20:12; Mat 15:4) Tiyak na may kalayaan si Jesus na sabihin ito dahil “patuloy siyang nagpasakop,” o sumunod, sa kaniyang mga magulang noong kabataan pa siya. (Luc 2:51) Noong adulto na si Jesus, tiniyak niyang mapangangalagaan ang kaniyang ina pagkamatay niya.—Ju 19:26, 27.

Sa ngayon, ang mga kabataang Kristiyano na sumusunod at nakikipag-usap nang may paggalang sa magulang nila ay nagpaparangal sa kanila. Sa katunayan, dapat na patuloy natin itong gawin. Kahit matanda na sila, mapararangalan natin sila kung makikinig tayo sa kanilang karunungan. (Kaw 23:22) Magagawa rin natin ito kung ilalaan natin ang kanilang emosyonal at pinansiyal na pangangailangan sa panahong kailangan nila. (1Ti 5:8) Kabataan man tayo o adulto, ang pagkakaroon ng mahusay na komunikasyon sa mga magulang natin ay isang paraan ng pagpaparangal sa kanila.

PANOORIN ANG VIDEO NA PAANO AKO MAKIKIPAG-USAP SA MGA MAGULANG KO? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Bakit parang nahihirapan kang makipag-usap sa mga magulang mo?

  • Paano mo mapararangalan ang mga magulang mo kapag nakikipag-usap ka sa kanila?

  • Bakit sulit ang pagsisikap mong makipag-usap sa mga magulang mo? (Kaw 15:22)

    Makatutulong ang pakikipag-usap mo sa iyong mga magulang para magtagumpay ka sa buhay