Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | MATEO 18-19

Iwasang Matisod at Makatisod

Iwasang Matisod at Makatisod

Gumamit si Jesus ng mga ilustrasyon para ituro na seryosong bagay ang matisod o makatisod.

18:6, 7

  • Ang “katitisuran” ay tumutukoy sa paggawi o kalagayan na maaaring umakay sa isa sa maling landasin, matisod o mahulog sa imoralidad, o magkasala

  • Ang isang taong nakatitisod sa iba ay mas mabuti pang mahulog sa dagat habang may gilingang-bato sa kaniyang leeg

Gilingang-bato

18:8, 9

  • Pinayuhan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na alisin kahit ang mahalagang bahagi ng katawan gaya ng kamay o mata kung nagpapatisod ito sa kanila

  • Mas mabuti pang mawala ang mahahalagang bahaging ito at makapasok sa Kaharian ng Diyos kaysa sa mayroon nga nito pero mapupunta naman sa Gehenna, isang simbolo ng permanenteng pagkapuksa

Ano ang puwedeng makatisod sa akin, at paano ko maiiwasang matisod o makatisod?