“Inirerekomenda ng Diyos sa Atin ang Kaniyang Sariling Pag-ibig”
Dahil sa regalo ni Jehova na pantubos, masasagot ang pinakamahahalagang isyu gaya ng pagbabangong-puri ng kaniyang pangalan at soberanya. Nagkaroon din tayo ng matuwid na katayuan sa harap ni Jehova ngayon at pag-asa ng maligayang kinabukasan para sa masunuring mga tao.
Paano natin maipapakitang pinahahalagahan natin ang regalong pantubos?
-
Ang pag-aalay at bautismo ay nagpapakitang nananampalataya tayo sa pantubos at gusto nating pumanig kay Jehova
-
Ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos ay nagpapakitang tinutularan natin ang pag-ibig ni Jehova sa lahat ng tao.—Mat 22:39; Ju 3:16
Sa anong ibang paraan ko maipapakita kay Jehova ang pagpapahalaga ko sa regalong pantubos?