Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Patuloy na Maghintay Nang May Pagbabata

Patuloy na Maghintay Nang May Pagbabata

Gaano katagal ka nang naghihintay sa pagdating ng Kaharian ng Diyos? Hinihintay mo ba ito nang may pagbabata sa kabila ng mga pagsubok? (Ro 8:25) Ang ilang Kristiyano ay dumaranas ng pagkapoot, pagmamalupit, pagkabilanggo, o bantang kamatayan pa nga. Marami naman ang napapaharap sa problemang gaya ng malubhang sakit o pagtanda.

Ano ang tutulong sa atin para makapaghintay tayo sa kabila ng mga hamon? Kailangan nating palakasin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng araw-araw na pagbabasa ng Bibliya at pagbubulay-bulay rito. Magpokus tayo sa ating pag-asa. (2Co 4:16-18; Heb 12:2) Magsumamo tayo kay Jehova sa panalangin at hingin ang banal na espiritu. (Luc 11:10, 13; Heb 5:7) Tutulungan tayo ng ating maibiging Ama na “makapagbata nang lubos at magkaroon ng mahabang pagtitiis taglay ang kagalakan.”—Col 1:11.

PANOORIN ANG VIDEO NA DAPAT TAYONG ‘TUMAKBO NANG MAY PAGBABATA’—MAGTIWALANG MAKUKUHA MO ANG GANTIMPALA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong mga “di-inaasahang pangyayari” ang puwedeng mapaharap sa atin? (Ec 9:11)

  • Paano nakakatulong ang panalangin kapag may mga problema?

  • Kung hindi na tayo makapaglingkod kay Jehova na gaya ng dati, bakit makabubuting magpokus tayo sa mga bagay na kaya pa nating gawin?

  • Magpokus sa gantimpala

    Ano ang nakakatulong sa iyo na patuloy na magtiwalang makukuha mo ang gantimpala?