Ang Ilustrasyon Tungkol sa Punong Olibo
Saan kumakatawan ang iba’t ibang parte ng makasagisag na punong olibo?
-
Puno: ang katuparan ng layunin ng Diyos may kinalaman sa tipang Abrahamiko
-
Katawan: si Jesus, ang pangunahing bahagi ng binhi ni Abraham
-
Mga sanga: ang hustong bilang ng mga kasama sa pangalawahing bahagi ng binhi ni Abraham
-
Mga sangang “pinutol”: likas na mga Judio na nagtakwil kay Jesus
-
Mga sangang “inihugpong”: pinahiran-ng-espiritung mga Kristiyano mula sa mga bansa
Gaya ng inihula, ang binhi ni Abraham—si Jesus at ang 144,000—ay magbibigay ng pagpapala sa “mga tao ng mga bansa” —Ro 11:12; Gen 22:18
Ano ang natutuhan ko kay Jehova tungkol sa pagtupad niya sa kaniyang layunin may kinalaman sa binhi ni Abraham?