Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Paghinto sa Pagdaraos ng Di-mabungang mga Pag-aaral sa Bibliya

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Paghinto sa Pagdaraos ng Di-mabungang mga Pag-aaral sa Bibliya

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Kailangang tumawag sa pangalan ni Jehova ang mga tao para maligtas. (Ro 10:13, 14) Pero hindi lahat ng nagpapa-Bible study ay gustong mamuhay ayon sa pamantayan ni Jehova. Masusulit natin ang ating panahon sa ministeryo kung tutulungan natin ang mga talagang gustong magbago para mapasaya si Jehova. Kung ang isang Bible study ay hindi sumusulong sa kabila ng makatuwirang panahon ng pag-aaral, isang katalinuhan na ibaling natin ang ating pansin sa mga inilalapit ni Jehova sa kaniya at sa kaniyang organisasyon. (Ju 6:44) Pero kung sa hinaharap ay mapansin nating siya ay “wastong nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan,” matutuwa tayong ipagpatuloy ang pakikipag-aral sa kaniya.—Gaw 13:48.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Papurihan ang estudyante dahil gusto niyang matuto ng tumpak na kaalaman.—1Ti 2:4

  • Idiin na mahalagang ikapit niya ang mga natututuhan niya.—Luc 6:46-49

  • Talakayin sa mabait na paraan ang ilustrasyon ni Jesus tungkol sa manghahasik, at tanungin siya kung ano ang pumipigil sa kaniya na sumulong.—Mat 13:18-23

  • Mataktikang ipaliwanag kung bakit mo ihihinto ang inyong pag-aaral

  • Sabihin sa kaniya na paminsan-minsan ay dadalaw ka pa rin para patibayin siya at na puwedeng ipagpatuloy ang inyong pag-aaral kung susulong siya

PANOORIN ANG VIDEO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Mula sa kanilang pag-uusap, paano natin nalaman na hindi sumusulong sa espirituwal ang Bible study?

  • Paano ipinaunawa ng mamamahayag sa kaniyang Bible study na kailangan nitong magbago?

  • Paano ipinakita ng mamamahayag na puwedeng ipagpatuloy ang pag-aaral sa hinaharap?