Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Feature ng Masayang Buhay Magpakailanman

Mga Feature ng Masayang Buhay Magpakailanman

Nagustuhan mo ba ang mga video at mga tanong sa aklat na Masayang Buhay Magpakailanman? Nag-enjoy ka ba sa “May Nagsasabi,” “Subukan Ito,” at “Tingnan Din”? May iba ka pa bang feature na nagustuhan habang ginagamit mo ito sa pagba-Bible study?​—Mat 28:19, 20.

Mga Video, Artikulo, at Audio Recording: Kung aktuwal na aklat ang ginagamit mo sa pagba-Bible study, paano mo madaling makikita sa isang lugar ang lahat ng video at iba pang reperensiya? Sa digital format ng aklat, pumili ng isa sa apat na seksiyon. Sa pinakaibaba ng listahan ng mga aralin, puwede mong i-tap ang “Mga Video, Artikulo, at Audio Recording” para makita ang lahat ng video at iba pang reperensiya sa seksiyong iyon. (Larawan 1.)

“Printed Edition”: Kung digital format ng aklat ang gamit mo sa pagtuturo ng Bibliya, makakatulong kung gagamitin mo paminsan-minsan ang “Printed Edition” habang nag-aaral kayo. Habang nakabukas ang isang aralin, i-tap ang tatlong tuldok sa toolbar sa itaas at piliin ang “Printed Edition.” Makakatulong ito para maalala mo ang pinakatema ng aralin. Para bumalik sa digital edition, i-tap ulit ang tatlong tuldok at piliin ang “Digital Edition.”

“Handa Na Ba Ako?”: Ipinapaliwanag ng mga kahong ito, na malapit sa dulo ng aklat, ang pangunahing mga kuwalipikasyon para makapangaral ang Bible study kasama ng kongregasyon at mabautismuhan siya. (Larawan 2.)

Karagdagang Impormasyon: Makikita dito ang paliwanag tungkol sa ilang mahahalagang paksa. Sa digital format ng aklat, may link sa dulo ng bawat “Karagdagang Impormasyon” para makabalik ka sa araling tinatalakay ninyo. (Larawan 2.)

Tiyaking matatapos ninyo ng Bible study mo ang Masayang Buhay Magpakailanman kahit nabautismuhan na siya. Puwede mo pa ring iulat ang oras, return visit, at ang Bible study kahit bautisado na siya. Kung may kasama kang mamamahayag sa pag-i-study, puwede rin niyang iulat ang oras