Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pag-aasawa—Panghabambuhay na Pagsasama

Pag-aasawa—Panghabambuhay na Pagsasama

Nagbibigay ng karangalan kay Jehova ang isang masayang pag-aasawa. (Mar 10:9) Para maging matatag at masaya ang pagsasama, kailangang sundin ng mga Kristiyano ang mga prinsipyo sa Bibliya sa pagpili ng mapapangasawa.

Manligaw ka lang kapag “lampas [ka na] sa kasibulan ng kabataan,” dahil panahon ito kung kailan posibleng mapilipit ng matinding seksuwal na pagnanasa ang mga desisyon mo. (1Co 7:36) Sulitin ang mga taon na single ka para mapatibay ang kaugnayan mo sa Diyos at mapasulong mo ang mga Kristiyanong katangian. Tutulong iyan para mas maging handa ka sa pag-aasawa.

Bago ka pumayag na magpakasal, kilalaning mabuti ang “panloob na pagkatao” ng kasintahan mo. (1Pe 3:4) Kung may makita kang seryosong problema sa kaniya, kausapin siya. Sa pag-aasawa, dapat na mas nakapokus ka sa maibibigay mo, hindi sa makukuha mo. (Fil 2:3, 4) Kung susundin mo ang mga prinsipyo sa Bibliya bago ka mag-asawa, magiging maganda ang pundasyon ng iyong pag-aasawa.

PANOORIN ANG VIDEO NA PAGHAHANDA SA PAG-AASAWA—BAHAGI 3: ‘TUUSIN ANG GASTUSIN.’ PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano nagsimula ang pagliligawan ng sister at ni Shane?

  • Ano ang napansin ng sister kay Shane nang mas makilala niya ito?

  • Paano nakatulong ang mga magulang ng sister, at anong matalinong desisyon ang ginawa niya?