Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Magpasimula ng Pakikipag-usap na Aakay sa Pagpapatotoo

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Magpasimula ng Pakikipag-usap na Aakay sa Pagpapatotoo

Nakapagpatotoo si Jesus sa Samaritana dahil nakipag-usap siya nang palakaibigan. Paano natin mapasusulong ang ating kakayahang makipag-usap sa mga hindi natin kilala?

  • Maging palakaibigan at makipag-usap. Kahit pagód, nagsimulang makipag-usap si Jesus sa pamamagitan ng paghingi ng tubig na maiinom. Kaya puwede kang magsimula sa pamamagitan ng palakaibigang pagbati at pakikipag-usap tungkol sa lagay ng panahon o isang pangyayari kamakailan. Tandaan, gusto nating makapagpasimula ng pag-uusap, kaya bumanggit ng mga paksang magugustuhan ng kausap mo. Kung hindi siya tumugon, walang mawawala sa iyo. Subukan uling makipag-usap sa iba. Manalangin kay Jehova para sa lakas ng loob.—Ne 2:4; Gaw 4:29.

  • Maging handang ipakilala ang mabuting balita, pero huwag magmadali. Hayaang maging natural ang pag-uusap. Kung magmamadali ka, baka maasiwa ang kausap mo at humintong makipag-usap sa iyo. Huwag masiraan ng loob kung hindi mo siya napatotohanan. Kung hiráp kang ipakipag-usap ang mabuting balita, praktisin mo munang makipag-usap nang hindi nagpapatotoo. [I-play at talakayin ang video 1.]

  • Puwede mong subukang magpatotoo sa pamamagitan ng pagkukuwento tungkol sa iyong pananampalataya, na maaaring magpakilos sa kausap mo na magtanong. Gumamit si Jesus ng mga pananalitang nagpakilos sa babae na magtanong. Kaya nang ibahagi na ni Jesus ang mabuting balita, sinasagot na lang niya ang mga tanong ng babae. [I-play at talakayin ang video 2. Pagkatapos, i-play at talakayin ang video 3.]