Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JUAN 3-4

Nagpatotoo si Jesus sa Isang Samaritana

Nagpatotoo si Jesus sa Isang Samaritana

4:6-26, 39-41

Ano ang nagpakilos kay Jesus na magpatotoo nang di-pormal?

  • 4:7—Humingi muna siya ng tubig na maiinom sa halip na makipag-usap tungkol sa Kaharian o magpakilala bilang ang Mesiyas

  • 4:9—Hindi niya hinusgahan ang Samaritana dahil sa lahi nito

  • 4:9, 12—Nang magbangon ang babae ng mga tanong na posible nilang pagtalunan, nagpokus si Jesus sa paksang ipinakikipag-usap niya.—cf 77 ¶3

  • 4:10—Gumamit siya ng ilustrasyon mula sa pang-araw-araw na gawain ng babae

  • 4:16-19—Kahit namumuhay nang imoral ang babae, pinakitunguhan siya ni Jesus nang may dignidad

Paano ipinakikita ng ulat na ito ang kahalagahan ng di-pormal na pagpapatotoo?