Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JUAN 5-6

Sundan si Jesus Taglay ang Tamang Motibo

Sundan si Jesus Taglay ang Tamang Motibo

6:9-11, 25-27, 54, 66-69

Nang maglahad si Jesus ng ilustrasyong hindi maunawaan ng mga alagad, may mga natisod at ayaw nang lumakad na kasama niya. Pero isang araw lang bago nito, makahimala silang pinakain ni Jesus, na nagpapatunay na galing sa Diyos ang kapangyarihan niya. Kaya bakit sila natisod? Lumilitaw na makasarili ang motibo nila sa pagsunod kay Jesus. Materyal na pakinabang lang ang habol nila sa kaniya.

Dapat nating tanungin ang sarili: ‘Bakit ako sumusunod kay Jesus? Dahil ba sa mga pagpapala ngayon at sa hinaharap? O dahil mahal ko si Jehova at gusto ko siyang palugdan?’

Bakit puwede tayong matisod kung ang pangunahing dahilan lang natin sa paglilingkod kay Jehova ay ang sumusunod?

  • Nasisiyahan tayong makisama sa bayan ng Diyos

  • Gusto nating mabuhay sa Paraiso